Thursday, May 2, 2024

Malacañang nagpaabot ng pagbati sa mga medalist ngayong unang araw ng SEAG

- Advertisement -

Maagang nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa lahat ng atletang nakasungkit ng medalya ngayong unang araw ng 30th Southeast Asian (SEA) games.

Ayon kay Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, tunay na inspirasyon ng lahat ang mga atletang Pilipino na nagbigay karangalan para sa bayan.

Hindi aniya maikakaila ang puspusang paghahandang ginawa ng mga atletang Pinoy at pinatunayan ng mga ito na may ibubuga ang Pilipinas sa larangan ng sports.

Sa anumang uri aniya ng mga kumpetisyon tulad ng SEA games, wala aniyang maaaring gawing substitute para makakuha ng panalo dahil kailangan ng masusing paghahanda para rito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img