35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga atletang Pinoy inulan ng gold medals sa unang araw ng SEAG

- Advertisement -

Hindi nagpaawat ang mga atletang Pilipino sa pag-ani ng gintong medalya ngayong unang araw ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Unang nakasungkit ng gintong medalya sina John Rambo Chicano at Kim Mangrobang habang pilak naman ang nakuha ni Kim Remolino sa triathlon.

Nakasungkit din ng gintong medalya si Agatha Wong para naman sa wushu habang nakasungkit din ng ginto ang koponan ng Pilipinas sa sepak takraw.

Umangat din ang galing ng mga Pilipino pagdating sa ballroom kung saan, nasungkit nila Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen ang ginto para sa waltz at foxtrot.

Gayundin sina Sean Mischa Aramark at Ana Leona Nualla para naman sa single dance tango mixed at viennese waltz.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -