Saturday, May 18, 2024

Mainit na panahon walang katiyakang mapababa ang pagkalat ng COVID-19 —study

- Advertisement -

Walang katiyakan na kayang mapababa ng mainit na panahon o temperatura ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay batay sa isang pag-aaral na inilabas ng Princeton University kahapon, ika-18 ng Marso, kung saan nakasaad na ang pinakamabisa pa ring paraan upang ma-flatten ang curve ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay sa pamamagitan nang pagpapatupad ng control measures.

Anila, batay sa kanilang pag-aaral, walang kinalaman ang temperatura sa bilis o bagal nang pagkalat ng virus.

Una rito, iginiit ng World Health Organization (WHO) na naipapasa lamang ang COVID-19 sa pamamagitan ng mucus at laway, at mas mabilis itong kumalat sa mas malaking populasyon kaya’t mahigpit na ipinatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face masks, at iba pang protective equipment.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -