Wednesday, May 8, 2024

Mahigit limang kilo ng shabu nasabat sa NAIA Terminal 1

- Advertisement -

Nasabat ang mahigit limang kilo ng hinihinalang shabu sa NAIA Terminal 1 kaninang umaga.

Ayon kay Airport Customs District Collector Carmelita Talusan, ang shabu ay nakuha sa isang abandonadong bagahe mula sa pasahero ng Philippine Airlines (PAL) na may byaheng PR 596 galing sa Hanoi at may name tag sa pangalan ni Obillo Nazarene.

Napag-alaman naman sa isinagawang drug testing, na ang nakumpiska ay isang high grade shabu.

Iniimbestigahan na ng airport customs maging ang PAL ang pagkaka-kilanlan ng pasahero sa tulong narin ng airport CCTV’s.

Samantala, nai-turn over na ng customs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasabing shabu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img