29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

6 sasakyan at 2 bus nasunog nang magkarambola sa Carmona, Cavite

- Advertisement -

Anim na sasakyan ang nasunog, kabilang ang dalawang bus, makaraang magkarambola sa Governor’s Drive sa Carmona, Cavite.

Ayon kay Police Maj. Rommel Carcellar, Hepe ng Carmona Police, nagtamo ng minor injuries ang hindi pinangalanang driver ng dump truck habang wala pang naiuulat na ibang sugatan sa aksidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, sumalpok ang truck sa bus makaraang mawalan ng preno hanggang sa umapoy ito at maging ang nabanggang bus.

Samantala, maging ang isa pang bus at isang truck na may kargang bakal ay nagliyab din.

Agad namang naapula ang apoy habang patuloy ang imbestigasyon sa nabanggit na aksidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -