Friday, May 3, 2024

Mahigit 700 flights patungong China kanselado

- Advertisement -

Aabot na sa 700 flight mula Pilipinas patungong China ang kanselado.

Ito ay matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

Batay sa ulat ng Civil Aeronautics Board (CAB) nasa 742 flights na patungong china ang kinansela bilang pag-iingat dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit sa China.

Ayon kay CAB Executive Dir. Atty Carmelo Arcilla, pinaghahandaan na nila ang anumang panganib na maaring dala ng sakit.

Sinabi pa ni Arcilla na posible pang madagdagan ang bilang ng flights na kanselado bunsod na rin ng travel ban sa mga biyahero mula Hubei Province, ang lugar kung nasaan ang Wuhan City—ang episentro ng nCoV.

Kaugnay nito, sinabi naman ng pamunuan ng ride hailing application na Grab na may karapatan ang mga Grab drivers na magkansela ng biyahe kung hinihinalang may nCoV ang pasahero.

Gayunman, sinabi ng Grab na dapat itong gawin ng magalang at sa paraang hindi nagpapakita ng diskriminasyon sa pasahero.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img