Saturday, May 4, 2024

Mahigit 150k na sako ng bigas mula Thailand inihimpil sa Ticao Is., Masbate

- Advertisement -

Pansamantalang inihimpil sa Ticao island sa Masbate ang barkong naglalaman ng mahigit 156,000 sako ng mga imported na bigas mula sa Thailand.

Ayon sa National Food Authority, kararating lang ng naturang shipment na nasabay sa pananalasa ng bagyong Rosita kaya’t hindi ito nai-unload agad.

Nangangamba rin ang NFA na masira ang Tabacco Port sa Albay kaya’t minabuti ng ahensya na dalhin ang shipment sa mas ligtas na lugar.

Tiniyak naman ng NFA na agad na ibabalik sa Tabacco port ang naturang mga bigas sa oras na bumuti na ang lagay ng panahon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img