Sunday, May 5, 2024

Iba’t ibang sangay sa ilalim ng AFP binuo para mag take-over sa BOC

- Advertisement -

Bumuo na ng lupon ang AFP o Armed Forces of the Philippines para gawing contingent sa BOC o Bureau of Customs.

Ito’y bilang pagsunod na rin sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-take over pansamantala ng militar ang Customs matapos ilagay sa floating status ang mga ito.

Magugunitang nag-ugat ang kautusan na ito ng Pangulo bunsod na rin ng pagkakalusot ng apat na magnetic lifters sa Aduana na naglalaman ng multi-bilyong pisong halaga ng shabu.

Ayon kay AFP Spokesman B/Gen. Edgard Arevalo, mahigpit ang naging atas ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez sa mga miyembro ng Army, Navy, Marines at Air Force na ipadadala sa BOC para tutukan ang intelligence gathering, technical expertise and support gayundin ang operasyon.

Makaaasa aniya ang publiko na ang mga ilalagay na sundalo sa Customs ay kapani-paniwala, may integridad at hindi matatawarang pag-uugaling propesyunal na kayang gampanan ang mandato na ibinigay sa kanila na linisin ang nasabing ahensya sa katiwalian.

Una rito, sinuportahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kautusan na ito ng Pangulo sabay giit na pansamantala lamang aniya ito habang nagsasagawa ng masinsinang pagsasaayos sa Customs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img