33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Maari ng makakuha ng student free ride ID – DOTr MRT 3

- Advertisement -

Muling hinikayat ng Department of Transportation – Metro Rail Transit 3 (DOTr – MRT 3) ang mga estudyante na mag-apply para makakuha ng student free ride ID.

Ayon sa DOTr MRT 3, maaaring mag-apply online o personal na magtungo sa malasakit help desk at mga nakatalagang supervisor sa istasyon ng MRT.

Kinakailangan lamang magbigay ng kopya ng school ID, registration form at 2 by 2 picture.

Batay sa datos ng DOTr MRT, umabot sa mahigit dalawampu’t apat na libo at limang daang mga mag-aaral na mananakay ng MRT ang na benepisyuhan sa unang buwan ng pagpapatupad ng programa para sa libreng sakay sa mga estudyante.

Maaaring magamit ng mga estudyante ang libreng sakay mula ala singko hanggang ala sais y medya ng umaga at alas tres hanggang alas kuwatro y medya ng hapon, lunes hanggang biyernes.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -