Friday, May 3, 2024

3 sugatan ng sumalpok ang isang putting SUV sa Marilao, Bulacan

- Advertisement -

Sugatan ang tatlo katao matapos salpukin ng isang puting SUV ang isang branch ng bangko sa bahagi ng McArthur highway sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay Bulacan provincial Police Office Chief Col. Chito Bersaluna, pagmamay-ari ni dating Marilao Mayor Epifanio Guillermo ang bumanggang sasakyan.

Kinilala naman ang mga nasugatan sa insidente na sina Juaniver Felicis at Gerard Hermogenes na security guard ng banco de oro at Kristine Lanoza na nag-wiwithdraw lamang sa ATM.

Agad namang isinugod sa St. Michael family clinic ang tatlong sugatan habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Marilao PNP, nakaparada lamang ang SUV sa harapan ng bangko ng bigla itong humarurot at bumangga sa salaming pintuan ng establisyemento na hinihinalang panibagong kaso ng sudden unintended acceleration.

With report from Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img