Friday, May 3, 2024

Luzon mayroon banta ng kagutuman —Dar

- Advertisement -

Mayroon ng banta ng kagutuman sa Luzon.

Ito ang ibinabala ni Agriculture Sec. William Dar sa harap ng mga umiiral na mas mahigpit na protocols upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dar, malaki kasi ang posibilidad na maghigpit ang pandaigdigang suplay ng pagkain, gaya ng bigas at iba pang pangunahing produkto dahil sa pag-hihigpit ng ibang bansa sa exportation dahil na rin sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Dar, sa katunayan, bumaba na ang suplay ng bigas sa bansa dahil apektado na rin ang delivery ng mga pagkain dahil sa mga ipinatutupad na checkpoints.

Gayunman, sinabi naman ni Dar na sasapat pa naman ng ilang buwan ang suplay ng bigas sa bansa.

Samantala, nasa P31-B ang halaga ng supplemental budget para sa Department of Agriculture (DA). Upang tiyaking sapat ang suplay ng pagkain  para sa publiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img