31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Sen. Koko may naging paglabag sa quarantine protocol —Duque

- Advertisement -

May naging paglabag si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel sa home quarantine protocols.

Ito ang naging pagamin ni Health Sec. Francisco Duque III matapos na umani ng batikos ang naging desisyon ng senador na isugod ang kaniyang manganganak na asawa sa  Makati Medical Center (MMC), sa kabila ng pagsailalim sa kaniya sa istriktong self-quarantine.

Sinabi ni Duque, sinasang-ayunan nila ang naging pahayag ng MMC na nagkaroon ng ‘breach of protocols’.

Sa isang pahayag, tinawa ni MMC Medical Dir. Dr. Saturnino Javier na  iresponsable, at walang pakundangan ang naging hakbang ng senador.

Gayunman, ipinauubaya na niya lamang sa pamunuan ng ospital ang pagsasampa ng kaso laban kay Pimentel.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -