Radio Philippines Network
Headlines National News

LTFRB tiniyak na ‘di magkakaroon ng taas-pasahe

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi magkakaroon ng taas-pasahe sa pagbabalik-pasada ng mga pampublikong transportasyon.

Ito ang inihayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra matapos na unti-unting payagan ng pamahalaan ang pagbabalik-pasada ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.

Ayon pa kay Delgra, milyun-milyong mga commuter ang matagal na hindi nakabalik sa trabaho kung kaya’t mas mainam na hindi na madagdagan pa ang mga pasanin nito pasahe.

Samantala, nakatakdang ipalabas ngayong araw o bukas ang guidelines sa pagbabalik-pasada ng mga tinaguriang ‘hari ng kalsada’ o tradisyunal na jeepneys sa ilang bahagi ng bansa.

Nilinaw naman nito na papayagan lamang nilang mga biyahe ang mga tradisyunal na jeep kung ‘road worthy’ ang mga ito.

Related posts

Panibagong PH diplomatic protest sa China kinumpirma ng DFA

Powered by DWIZ

Ang may-ari ng F/B Gem-Ver 1 nababahala sa Recto Bank na baka maudlot ang tulong galing gobyerno

Powered by DWIZ

Interconnection charges sa tawag at text ibinaba na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More