- Advertisement -
Pinapayagan na ng Malacañang na makabiyahe ang mga tradisyunal na jeep sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makakabalik-pasada na ang mga tinaguriang “hari ng kalsada” sa 12 lugar sa bansa na kinabibilangan ng:
- Bulacan
- Pampanga
- Cagayan De Oro
- South Cotabato
- Siquijor
- Region 1 (Ilocos Region)
- Region 6 (Western Visayas)
- Region 8 (Eastern Visayas)
- Region 10 (Northern Mindanao)
- Region 11 (Davao Region)
- Region 12 (Soccsksargen)
- Region 13 (Caraga)
Samantala, ipinaubaya naman ng Malacañang sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapasya kung kailan nito papayagang makabalik-pasada ang mga tradisyunal na jeep sa Metro Manila.
- Advertisement -