Thursday, May 9, 2024

LTFRB nanawagan sa mga transport groups na wag ituloy ang tigil pasada

- Advertisement -

Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga transport group na huwag nang ituloy ang ikinakasang malawakang tigil pasada sa September 30.

Ayon sa LTFRB, tiyak na mapupurwisyo na naman ang mga pasahero at makakaapekto na naman ito sa public safety.

Mas makabubuti anila kung sasali na lang ang mga grupo sa dayalogo para maiparating ang kanilang hinaing sa PUV modernization program.

Kasabay nito, nagpaalala ang ahensya sa mga sasakyang makikiisa sa transport strike na maaaring masuspinde o makansela ng tuluyan ang kanilang prangkisa.

Una rito, inanunsyo ng mga transport groups kabilang ang acto at piston ng nakatakda nilang transport strike sa katapusan ng buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img