Thursday, May 2, 2024

Lollipop na may condom pinakukumpiska ng FDA

- Advertisement -

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa pagbili ng isang brand ng lollipop na ginagamitan ng condom foil bilang pambalot sa naturang candy.

Ayon sa inilabas na babala ng ahensya, ang ‘Dipzy Cornpop’ lollipops na gawa ng kumpanyang MM Lucky Multisales Corp. ay hindi otorisadong gumamit ng Durex condom bilang foil ng lollipop.

Nilinaw naman ng mga ito na maaaring may banta sa kalusugan ng mga tao ang pagkain nito, gayung hindi ito rehistrado sa kanila.

Samantala, inatasan na ng FDA ang kanilang mga regional field offices at regulatory enforcement units na kumpiskahin ang lahat ng ‘Dipzy Cornpop’ lollipops sa lahat ng merkado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img