Radio Philippines Network
National News

Lalaki patay matapos tumalon sa LRT line 1 Balintawak

Patay ang isang lalaki matapos umanong tumalon mula sa ikatlong palapag ng Light Rail Transit (LRT) line 1 station sa Balintawak, Quezon City.

Batay sa impormasyong inilabas ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), nangyari ang insidente dakong 11:45 kanina.

Sa inisyal na imbestigasyon, tumalon ang naturang lalaki mula sa ikatlong palapag kung saan, bumagsak ito sa bahagi ng EDSA – Balintawak Southbound.

Dahil dito, agad inihanda ng LRMC security ang isang ambulansya at kinordunan ang lugar kung saan, itinurn-over na ang katawan ng biktima sa pulisya at sa mga operatiba ng MMDA.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hiniggil sa kung sino ang naturang biktima at kung ano ang dahilan ng pagkakahulog nito mula sa istasyon ng tren ng LRT.

Related posts

Ilang mga kumpanya ng langis dagdag presyo ngayon sa produktong petrolyo

Powered by DWIZ

Subpoena mula sa DOJ laban sa Kapa Ministry naisilbi na

Powered by DWIZ

Mga negosyante hinikayat ni Duterte na mamuhunan sa industriya ng enerhiya

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More