77 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal — PHIVOLCS

77 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal — PHIVOLCS

by Powered by DWIZ
55 views

Nakapagtala ng 77 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PHIVOLCS, indikasyon ito na mayroong magmatic activity sa Bulkang Taal na maaaring magdulot ng pagsabog sa main crater ng bulkan.

Dagdag pa rito, patuloy rin ang paglalabas nito ng puting usok na may taas na 50 hanggang 100 metro.

Gayunman, nananatili parin sa alert level 2 ang status ng Bulkang Taal.

0 comment

Related Posts