Radio Philippines Network
Headlines National News

Kongreso hihingi ng special session para maipasa ang Bayanihan 2

Hihingi ng special session sa kongreso ang Pangulong Rodrigo Duterte upang maipasa ang Bayanihan To Heal As One 2.

Noong June 25 ay napaso na ang bisa ng Bayanihan To Heal As One Act kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na mare-align ng pondo para magamit sa pagresponde sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, halos tapos na ang negosasyon ng ehekutibo at ng kongreso hinggil sa ikalawang Bayanihan Act.

Kabilang sa nakapaloob sa Bayanihan 2 ang pondo para sa mas pinalawak na contract tracing na tinatayang nasa P17-B.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan sila ng mahigit sa 76,000 contract tracers subalit mabagal ang hiring dahil sa isyu ng pondo.

Related posts

Diplomatic protest pinakamabisang paraan para maresolba ang isyu sa WPS — Malakanyang

Powered by DWIZ

Higit 100 OFWs sa Italy nais nang makauwi ng Pilipinas

Powered by DWIZ

‘Samuel’ bahagyang humina matapos mag-landfall

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More