Radio Philippines Network
Headlines National News

PH Army iginiit na walang misencounter na nangyari sa pagitan ng pulis, sundalo sa Jolo, Sulu

Iginiit ng Philippine Army na walang misencounter na nangyari sa pagitan ng mga pulis at mga sundalo sa Jolo Sulu kung saan napatay ang apat na miyembro ng army.

Ayon kay Army Spokesman, Lt Col Ramon Zagala, sa unang checkpoint pa lamang ay nagpakilala nang mga sundalo ang kanilang mga kasamahan.

Ang misencounter anya ay kung hindi alam ng magkabilang panig na pulis o sundalo ang kanilang kasagupa.

Batay anya sa salaysay ng isa nilang intel officer na sakay ng motorsiklo at nakabuntot sa sinasakyan ng apat na sundalong napatay, bumaba si Major Mavin Indammog at naglakad patungo ng himpilan ng pulisya nang salubungin ito ng isang pulis na galing rin ng checkpoint.

Bagamat hindi anya naririnig ng intel officer ang usapan nina indammog at ng pulis, nakikita nyang tila nagpapakilala ang sundalo nang nakataas pa ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang balikat.

Nabigla na lamang anya ang kanilang intel officer nang barilin ng pulis si Indammog at isinunod ang dalawa pang sundalo na bumaba na rin ng kanilang sasakyan.

Nakaupo naman umano sa loob ng sasakyan ang isa pang sundalo nang barilin ito ng mga pulis.

Sinabi ni Zagala na nakapagtataka na iniwan ng mga pulis ang crime scene gayong dapat ay sila ang nagproseso sa imbestigasyon.

Dumating anya sa crime scene ang mga kasamahan pa nilang sundalo subalit wala silang inabutang pulis maliban sa mga naroon sa police station na wala naman umanong masabi kung ano ang nangyari.

Related posts

Kontrata ng private companies sa pamahalaan pinabubusisi ni Duterte —Panelo

Powered by DWIZ

Malakihang umento sa LPG, kinuwestyon

Powered by DWIZ

Ayuda sa mga tindero, jeepney at tricycle drivers sa Pasig ipinangako ni Sotto

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More