Thursday, May 2, 2024

Kinaroroonan ng mga Pinoy sa Iraq patuloy na tinutukoy

- Advertisement -

Patuloy na tinutukoy ng mga otoridad ang kinaroroonan ng mga Pilipino sa Iraq.

Ito ay kaugnay pa rin ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran matapos na masawi ng ikalawang pinakamakapangyarihang opisyal sa Iran sa airstrike ng Amerika.

Batay sa abiso ng Embahada ng Pilipinas sa Iraq, hinihingi ng embahada ang kooperasyon ng nasa 51 kumpanya para pagkalooban ng karampatang dokumento ang mg Overseas Filipino Workers (OFWs) at makauwi na ng Pilipinas.

Hinihingi na rin ng Embahada ng Pilipinas sa Iraq ang kabuuang bilang ng mga mangagagawang Pinoy na nasa Iraq.

Una rito, pinaghahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naval at air assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa posibleng pagpapauwi ng mga Pilipinong nasa Iraq.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img