Friday, May 17, 2024

PNP maghihigpit sa timbang ng mga pulis

- Advertisement -

Maghihigpit na ang Philippine National Police (PNP) sa timbang ng mga pulis.

Ito ang isa sa mga nais na ipatupad ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ngayong bagong taon.

Ayon kay Gamboa, nais niyang obligahin ang lahat ng PNP personnel na sundin ang kanilang body mass index (BMI).

Sinabi ni Gamboa na nais niyang maging maingat ang mga pulis sa kanilang timbang dahil importante aniya sa mga pulis na nasa maganda silang pangangatawan at kalusugan.

Sa ngayon, sinabi ni Gamboa na sakop ng alituntuning ito ang lahat ng pulis mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa mga matataas na opisyal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -