Sunday, May 12, 2024

Kilos-protesta maiiwasan kung pinakinggan lamang ang mga hinaing nila — ACTO

- Advertisement -

Umaarangkada parin ang transport strike ngayong araw, sa kabila ng pagsuspinde ng mga klase sa halos buong Metro Manila.

Ayon kay Efren De Luna na presidente ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), kung marunong lang aniyang makinig ang pamahalaan sa kanilang mga hinaing hindi na aniya’y aabot pa sa malawakang kilos protesta.

Yun nga po yung sinasabi namin sa pamahalaan kung marunong man lang sana sila makinig at kausapin kami ng maayos hindi yung may panlilinlang hindi  na sana dadating sa ganitong pamamaraan, sa pamamagitan ng kilos protesta,” ani De Luna.

Nilinaw naman ni De Luna, na hindi sila tumututol sa magandang layunin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagbabago ng transportasyon sa bansa.

Tinututulan lamang anila ang pag wash out sakanilang mga prangkisa na walang katiyakan kung ito’y maibabalik, dahil sa mga requirements na imposibleng nilang maibigay.

Ang masakit dun ay gusto nila i-wash out yung lahat ng aming mga prangkisa, para bang yung kusang loob namin na i-surrender lahat ng mga prangkisa namin. Ngayon, kung halimbawa i-surrender namin yan ano ang katiyakan na yung mga prangkisa namin ay maibabalik dahil dun sa mga requirements nila na imposible naman naming maibigay,” ani De Luna.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -