Huling araw ng COMELEC registration dinagsa

0
24

Dinagsa ang huling araw ng pagpaparehistro sa Commission on Elections (COMELEC) sa Arroceros, Maynila.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, handa nilang tanggapin ang lahat ng nakapila sa mga tanggapan ng komisyon hanggang alastres ng hapon.

Sinabi ni Jimenez na inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga magpaparehistro sa huling araw ng registration period kaya’t napaghandaan na nila ito.

Hanggang nitong September 21 ay nasa mahigit 2,600,000 na ang naprosesong registration sa buong kapuluan.