Friday, May 3, 2024

Kaliwa’t kanang batikos laban kay Julia Barretto pinagtanggol ng kanyang lola

- Advertisement -

Hindi na napigilan pa ni Inday Barretto, lola ni Julia Barretto ang magsalita laban sa mga bumabatikos sa kanyang apo.

Kaugnay ito ng pagkakadawit ni Julia bilang 3rd party sa isyu ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa reply ni Inday Barretto sa mga bashers ni Julia, iginiit nito na hindi niya kayang manahimik lamang habang tinatapakan lamang ng kung sinu-sino ang apo.

Aniya, sumusobra na ang mga bashers ni julia kung saan masasamang salita na ang ibinabato sa kanyang apo.

Hinamon din niya ang mga ito na siya na lamang ang harapin.

Una rito, pinagsabihan at binigyan ng payo ni Inday si Bea na hindi dapat idamay ang apo sa isyu nila ni Gerald.

Dagdag ng nakatatandang Barreto, wala rin aniyang patunay si Bea sa akusasyon nitong ang kanyang apo na si Julia ang dahilan ng Breakup nila ni Gerald.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img