33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Isa na namang pinay pinaslang umano ng kanyang asawa sa Amerika

- Advertisement -

Isa na namang Filipina ang pinatay ng kanyang Amerikano ng asawa sa Texas, USA.

Batay sa ulat, binaril ang biktimang si Jacqueline Rose Nicholas ng kanyang asawang si Peter Nicholas III habang sila ay nasa isang Hotel sa Texas.

Wala nang buhay si Jacqueline nang madatnan ito ng pulisya.

Ayon sa Texas Police, pumalag at nagtangka pang tumakas ng suspek pero kanila rin itong naaresto.

Sinasabing lulong sa iligal na droga ang suspek na ngayo’y ipinagharap na sa kasong murder.

Ito na ang 2 insidente ng isang pinay na napatay ng kanilang asawang Amerikano kung saan unang natagpuan ang bangkay ni Alyssa Marie Mejia Rogers sa isang Freezer sa loob ng bahay ng kanyang asawa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -