Saturday, May 4, 2024

Kalahati ng malilikhang COVID-19 vaccine ng 5 manufacturers nakareserba na sa mga mayayamang bansa

- Advertisement -

Inireserba na ng limang manufacturer na nangunguna sa paggawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang kalahati ng kanilang malilikhang bakuna sa mga mayayamang bansa.

Ito ay batay sa report na isinagawa ng Oxfam America, isang global organization, kung saan pinag-aralan nito ang deal na pinasok ng Astrazeneca, Gamaleya/Sputnik, Moderna, Pfizer at Sinovac.

Ang limang manufacturer na nangunguna sa paglikha o pagdevelop ng COVID-19 vaccine.

Sa pagtataya ng Oxfam, aabot sa 5.9-billion doses ang dami ng bakunang kayang i-develop ng limang manufacturer na sasapat para sa 3-bilyong indibidwal.

sa nabanggit na higit 5-bilyong doses, 2.7-billion dose o katumbas ng 51% ang nabili na ng US, UK, European Union, Australia, Hong Kong, Macau, japan, Switzerland at Israel.

Dahil dito, nanawagan si Robert Silverman ng Oxfam America na dapat gawing abot kaya ng limang manufacturer at accessible sa lahat ng bansa ang bakunang kanilang malilikha.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img