Saturday, May 18, 2024

Global COVID-19 cases pumalo na sa higit 30,333,000

- Advertisement -

Pumalo na sa kabuuang 30,333,728 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito’y matapos na maitala ang 306,400 na mga bagong kaso sa nakalipas na magdamag.

Nasa 22-milyon naman ang kabuuang bilang ng mga gumagaling o tuluyan nang nakarekober sa COVID-19.

Habang lumobo naman sa 950,429 ang bilang ng mga nasasawi dahil sa virus.

Sa datos, nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga pinakamaraming nasawi dahil sa virus, sinundan ito ng Brazil at India.

Samantala, nasa higit 7-milyon pa ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -