Sunday, May 5, 2024

Jovito Palparan hinatulang ‘guilty’

- Advertisement -

Hinatulang guilty ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 sa salang kidnapping at serious illegal detention si Retired Army Major General Jovito Palparan.

Ito ay kaugnay sa pagkawala ng dalawang University of the Philippines (UP) students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Kasama rin sa mga hinatulan ang dalawa pang kapwa akusado ni Palparan na sina Lieutenant Colonel Felipe Anotado at S/Sgt. Edgardo Osorio.

Habang buhay na pagkakabilanggo ang parusang ipinataw laban sa tatlo habang inatasan din silang magbayad ng kabuuang tig-P300,000 na danyos.

Mahigpit naman ang seguridad na ipinatupad ng mga awtoridad sa labas ng Malolos RTC kung saan nagsagawa rin ng pagkilos ang ilang militanteng grupo.

Nanindigan ang mga hukom na ikulong sina Palparan, Anotado, at Osorio sa New Bilibid Prison (NBP) sa kabila ng hiling ng kampo nito na i-detine ang tatlo sa Fort Bonifacio sa Taguig.—AR

(May Ulat mula kina Jaymark Dagala at Jill Resontoc)

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img