Friday, May 3, 2024

Joma Sison walang planong bumalik ng Pilipinas

- Advertisement -

Walang planong bumalik sa Pilipinas si CPP-NPA Founding Chairman Joma Sison.

Ito ay kaugnay ng panawagan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat nang bumalik sa bansa si Sison at harapin ang kaso na isinampa sa kanya kaugnay sa Inopacan massacre.

Ayon kay Sison, maituturing na ‘fake news’ ang mga kasong isinampa sa kanya dahil nasa maximum security detention siya ng maganap ang krimen.

Aniya bilang isang preso wala siya sa posisyon, at wala rin siyang kapangyarihan na mag-utos sa NPA.

Kaugnay nito, iginiit rin ni Sison na bilang isang self-exile, siya ay protektado ng Geneva Refugee Convention at ng European Convention on Human Rights.

Depensa pa ni Sison, hindi niya haharapin ang mga maling akusasyon laban sa kanya lalo na’t kilala aniya ang Duterte administration sa pagpapakulong sa mga kritiko nito upang wala nang bumatikos sa aniyay maling gawain ni Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img