Sunday, April 28, 2024

Isang senior citizen na mayroong COVID-19 nasawi

- Advertisement -

Nasawi ang isang senior citizen dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos na tanggihan ng anim na ospital.

Sa isang panayam, sinabi ni Girlie Cabling-Cagaon, anak ng nasawing pasyenteng si Ladislao Cabling na anim na ospital ang kanilang napuntahan ngunit walang ni-isa sa mga ito ang nagbigay ng atensiyong medikal sa kaniyang ama.

Sinabi nito na kinumpirma mismo ng ilan sa mga ospital na kanilang napuntahan na positibo ang kaniyang ama sa COVID-19, ngunit wala aniyang umaasiste sa kaniyang ama dahil puno na aniya ang intensive care unit (ICU) ng mga ospital na kanilang napuntahan.

Dahil dito, nagpasya na lamang silang umuwi na lamang kung saan binawian ng buhay ang kaniyang ama ilang oras lamang matapos nilang magtungo sa mga ospital.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -