Wednesday, May 8, 2024

Anti-body medicine laban sa COVID-19 kailangang masuri muna ng FDA

- Advertisement -

Kailangan munang dumaan sa pag-susuri ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng bagong gawang gamot, maging ang ‘antibody medicine’ laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang binigyang diin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire kung saan nilinaw nito na kailangan munang aprubahan ng FDA ang anumang bagong klaseng gamot.

Aniya, dapat matiyak na ligtas at walang masamang epekto sa kalusugan ang nasabing antibody medicine laban sa COVID-19.

Matatandaang, sinabi mismo ni Pang. Rodrigo Duterte na posibleng pagsapit ng Mayo ay mailabas na sa merkado ang gamot kontra COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img