Mga lalabag sa ECQ dapat makulong, magmulta — DILG

0
18

Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ordinansa na magpapataw ng multa sa mga lalabag sa mga enhanced community quarantine protocols.

Ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año dapat na maharap sa pagkakakulong o multang aabot sa isa hanggang P2,000 ang sinumang lalabag sa ECQ..

Sinabi ni Año, ito lamang ay upang matiyak na sumusunod ang lahat sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.