- Advertisement -
Naputol ang braso ng isang pasahero sa nangyaring banggaan ng dalawang bus sa EDSA kaninang umaga.
Naganap ang aksidente malapit sa EDSA – Kamuning area malapit sa Station 10 ng Quezon City Police District.
Kwento ng drayber, nakalawit sa labas ng bus ang kamay ng pasahero habang natutulog kaya noong magkasagian ang dalawang bus ay naputol ang braso nito.
Kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktima.
- Advertisement -