Thursday, May 2, 2024

Isang batang Pinay sa Kuwait nasawi matapos umano’y malason sa biniling pagkain online

- Advertisement -

Nasawi ang isang pitong taong gulang na batang Pilipina sa Kuwait matapos umanong kumain ng pagkaing in-order online.

Nakilala ang biktima na si Zara Louise Lano na nasawi noong March 21 o isang araw matapos kumain ng fried chicken na in-order online mula sa isang fastfood chain.

Ayon kay Faye Lano, ina ng biktima habang kumakain sila ay nagrereklamo na siya hinggil sa magandang itsura ng manok na aniya’y masyadong oily na parang iniinit lang.

Sinabi ni Lano na bagamat tumigil na sila sa pagkain ng manok sumama ang kanilang pakiramdam at nagtungo sa ospital noong March 21 subalit makalipas ang ilang oras ay pinauwi na siya at anak na si Zara samantalang naiwan sa ospital ang asawa niyang si Dax at isa pang anak na si Sigfried

Gayunman ikinuwento naman ng padre de pamilya na nakaranas ng LBM at pagkahilo ang mag ina niyang sina Zara at Faye kaya’t bumalik sa ospital kung saan ang ina ay inilagay sa ICU at idineklara namang dead on arrival si Zara.

Nakasaad sa death certificate ni zara na acute failure of blood circulation and respiration at septic shock bilang dahilan nang pagkamatay nito.

Umaapela ang pamilya ng katarungan kaugnay sa pagkamatay ni Zara na ang mga labi ay naiuwi na sa Pilipinas at sumalang na sa re-autopsy

Tiniyak ng pamilya ang pagsasampa ng kaso laban sa fast food chain kapag napatunayang nalason ito sa kinaing fried chicken gayundin ang ospital na nagkamali sa pagtingin sa kondisyon ng batang si Zara.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img