Thursday, May 2, 2024

Isa sa mga umano’y sangkot sa pagpatay sa 4 pulis sa Negros Oriental arestado

- Advertisement -

Naaresto na ng tropa ng pamahalaan ang hinihinalang isa sa mga suspek na pumatay at nang-torture sa apat na pulis noong July 18, sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental.

Ganap na alas 12:00 ng tanghali kahapon nang maaresto sa Barangay Mabato ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Philippine Army ang umano’y NPA fighter na si Jojo Torres Ogatis.

Sa ngayon, nasa kostudiya ng PNP 704th Maneuver Company-Regional Public Safety Battalion ng region 7 sa Mabinay si Ogatis.

Ayon sa mga otoridad, inihahanda na nila ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img