32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Taxi driver na nag overprice ng pamasahe sa isang turista tiklo sa NAIA

- Advertisement -

Tiklo ang taxi diver na si Eugene Del Rosario makaraang ireklamo ng overpricing na pasahe ng isang dayuhang Tsino.

Nakilala ang taxi driver na si Eugene Del Rosario na minamaneho ang taxi na may plakang TXV 149.

Base sa pahayag ng biktimang si Wang Wei, dakong alas-2:00 ng hapon noong Biyernes nang dumating siya sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 at agad na sumakay ng taxi upang magpahatid sa Terminal 1.

Ngunit laking gulat ni Wei dahil sinisingil siya ng halagang 6,000 pesos ni Del Rosario.

Agad namang nagsumbong sa mga airport police ang dayuhang biktima at ipinaaresto ang suspek na taxi driver.

Nakuha mula kay Del Rosario ang 6,000 piso na ibinayad sa kanya ni Wei.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang taxi driver na dati narin umanong inaresto ng dahil sa kaparehong insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -