Thursday, May 2, 2024

Isa pang illegal underground clinic para sa mga Chinese COVID-19 patients sa Makati City nadiskubre

- Advertisement -

Isa na namang underground hospital para sa mga Chinese coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients ang nadiskubre ng pulisya sa Makati City.

Ayon kay Makati Police Chief P/Col. Oscar Jacildo, ang Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp. na kanilang nadiskubre sa San Antonio Village ay walang kaukulang permit.

Aniya, hindi rin lisensyado mag-practice sa Pilipinas ang Chinese na doktor at assistant nito na kanilang dinatnan sa klinika.

Dagdag pa ni Jacildo, ang mga nasabat na gamot, syringe at iba pang kagamitan para sa COVID-19 testing ay pawang nasa wikang Chinese.

Samantala, susuriin naman ng Makati Health Office ang apat na pasyenteng Chinese na naabutan sa clinic habang sasampahan naman ng kaukulang kaso ang dalawang doktor.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img