28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila pabor na isailalim na sa GCQ ang rehiyon

- Advertisement -

Pabor ang mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) pagtapos ng Mayo 31.

Gayunman, mananatili paring mag-iintay ang mga alkalde maging ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa magiging desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF).

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, handa na sila sa transition sakaling ipatupad nga ang GCQ.

Samantala, magugunitang sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na malaki ang posibilidad na ilipat na sa GCQ ang Metro Manila at ipatupad na lang ang mga lockdown sa mga barangay, subdibisyon at maliliit na komunidad na may kaso ng COVID-19.

Aniya, posible namang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon nito sa Huwebes o di kaya’y sa Biyernes.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -