Saturday, May 4, 2024

Isa pang bilanggo patay sa sobrang siksikan sa kulungan sa Cavite

- Advertisement -

Isa pang bilanggo ang patay dahil umano sa sobrang siksikan sa kulungan sa Cavite City Police Station.

Kinilala ang presyo na si Oscar Vale Cruz, sisenta anyos na isinugod pa sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Oktubre 12 nang maaresto si Oscar dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay Chief Insp. Joel Palmares ng Cavite City Police, nasa isandaan ang preso sa loob ng selda na ginawa para lamang sa 30 bilanggo.

Nabanggit na aniya noon ni Cruz na mayroon siyang tuberculosis na isa rin sa maaaring dahilan ng pagkamatay nito.

Si Cruz ang ika-limang presong namatay sa loob ng kulungan sa Cavite dahil umano sa sobrang siksikan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img