Saturday, May 18, 2024

DFA pinag-iingat ang mga Filipino sa Nigeria

- Advertisement -

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Nigeria sa ikalawang araw ng sagupaan ng mga pulis at Shia Islamic Movement kung saan 18 na ang patay.

Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Abuja ang mahigit 100 Pinoy sa kabisera na manatili sa kanilang mga tinutuluyan at umiwas muna sa matataong lugar.

Pinayuhan din ni Philippine Ambassador Shirley Ho-Vicario ang nasa 3,000 pang pinoy sa pinaka-malaking lungsod sa Nigeria na Lagos na maging mapagmatyag sa lahat ng oras.

Magugunitang pinaputukan ng mga pulis ang mga raliyistang Shi’ite (Shi-Ayt) na nananawagan ng kalayaan para sa kanilang leader.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -