Saturday, May 25, 2024

Iriga: Posibleng pagpasok ng Omicron variant sa Bicol pinaghahandaan na ng DOH, pagsunod sa health protocols muling ipinaalala sa pagsalubong sa bagong taon

- Advertisement -

Camarines Norte – Tiniyak ng Department of Health na kasalukuyan na nilang ginagawa ang mga kinakailangang paghahanda sakaling makapasok sa Bicol Region ang Omicron variant.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa inilabas na public advisory ng DOH- CHD Bicol kahapon inihayag ng ahensiya na available ang Telemedicine services para sa mga nakakaranas ng mild symptoms ng COVID- 19.

Ito ay upang masiguro na sapat ang hospital at ICU facilities gayundin ang suplay ng mga gamut at oxygen tanks para sa mga severe at critical cases.

Kaugnay nito ay hinimok ng DOH ang publiko na magpabakuna para maprotektahan laban sa severe forms ng COVID- 19 at maiwasan ang pagkaka ospital.

Habang ang mga bakunadong indibidwal naman ay hinihikayat na magpa booster shot.

Mahalagang proteksyon umano ang bakuna lalo na sa mga nakakatanda at mayroong comorbid conditions.

Kaugnay naman ng pagsalubong sa bagong taon ay pinaalalahanan ng DOH ang publiko na sundin ang Minimum Public Health Standards tulad ng pagsusuot ng face mask, pag sanitize ng mga kamay, social distancing at ang pananatili sa well-ventilated areas.

Kasabay ng pagluwag ng COVID- 19 restriction sa lalawigan ay kapansin- pansing hindi na naghihipgpit ang karamihan ng mga establisyimento lalo na dito sa Daet.

May mga hindi na naghihigpit sa logbook at mapapansing balewala na rin s aiba ang pagsunod sa health protocols.

(Source: BNFM Daet, photo courtesy of DOH Bicol CHD)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -