Thursday, May 30, 2024

Iriga: Pagsisimula ng “Oplan Baklas” sa 3 probinsya sa Bicol, naging matagumpay ayon sa COMELEC

- Advertisement -

Inihayag ni COMELEC-Bicol Regional Director Atty. Rafael Olaño na naging matagumpay ang isinagawang “Oplan Baklas” ng kanilang ahensya sa tatlong mga lalawigan sa rehiyon partikular ang mga probinsya ng Camarines Sur, Albay at Masbate.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa isang panayam sinabi ng opisyal na matapos ang isinagawang aktibidad ay wala pa naman umano silang natatanggap na reklamo mula sa mga supporters ng mga kandidatong tumatakbo sa national positions, bilang sa mga ito pa lang naman applicable ang “Oplan Baklas.”

Kaugnay nito, muli namang ipinaalala ni Olaño sa mga personahe ng PNP, COMELEC at DPWH ang pagsasagawa ng aktibidad sa tamang proseso kung saan dapat munang humingi ang mga ito ng pahintulot sa may-ari ng bahay o establisyemento bago baklasin ang campaign materials na may paglabag sa Fair Election Act gaya ng “oversizing” at paglagay sa mga ito sa mga hindi naman designadong lugar.

(Source: Bicol Overview)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -