Wednesday, June 19, 2024

Iriga: National Telecommunications Commission O NTC Ipinasara Ang Operasyon Ng Zagitsit News FM Sa Legazpi City

- Advertisement -

Ipinasara ng National Telecommunications Commission ang operasyon ng Zagitsit News FM sa Legazpi City ngayong araw.

Ayon sa cease-and-desist order, ito ay dahil sa expired temporary permit, kawalan ng studio to transmitter link radio station license at paglabag sa ilang kondisyon ng kanilang provisional authority.

Visit RPN DZKI Iriga

Pero naniniwala ang pamunuan ng Zagitsit FM na mas malalim ang dahilan nito. Ayon kay Jun Alegre, may-ari at Station Manager ng naturang istasyon, naghain sila ng motion for extension at granted naman daw ito.

Pero nagulat sila na di pa man tapos ang 15-day extension, ipinasara sila ngayong araw. Paniwala niya, napulitika sila. Maga-anim na taon na ang operasyon ng Zagitsit at taon-taon daw silang ini-inspeksyon. Pero hindi sila nasita o nabigyan ng reprimand sa lahat ng ito. Ayon kay Alegre, “Nitong nakaraang ilang buwan, nagtaka ako, ininspeksyon ang Zagitsit FM, nasingle out kami and nagduda na ako na may malaking tao sa likod nito”.

Marami naman daw kasi ang ibang istasyon na may mga paglabag sa prangkisa pero tinarget daw ang kanilang istasyon. “Sana yan ang tingnan ng NTC kung honest to goodness ang kanilang paglinis kasi maraming istasyon dito na 5 years na ang kanilang lisensya na expired, hindi na ito labanan sa legal battle. May isang pulitiko na nagsabi sa akin na ang problema ng Zagitsit, pulitika. Kung kaya nga gawin sa ABS-CBN, anong dahilan na di kayang gawin sa maliliit na network. Ngayon, Zagitsit FM, sino naman kaya ang mga susunod na araw”, pagtatapos ni Alegre.

Tatakbo bilang board member ng ikalawang distrito ng Albay si Alegre sa darating na halalan sa Mayo 2022 at hindi rin niya itinatago kung sino ang sinusuportahan niyang partido.

Sabi naman ng NTC Bicol, galing central office ang utos na inspeksyunin ang Zagitsit FM station. Ayon kay NTC Bicol OIC Regional Director Samuel Sabile, “Itong order nareceive namin kaninang umaga na, the respondent is directed to immediately cease from further operating its FM station, DWH1 FM using 100.3 megahertz”.

Nakakabahala naman daw ang ganitong sitwasyon ayon sa ilang media practitioner sa Albay. Ayon kay Mar Arguelles na higit tatlong dekada na sa naturang propesyon, “It’s a worrisome message to the media, the ordinary term is chilling effect. Ang kalaban na ng media is influential, powerful and moneyed individual or groups, media should look out and find avenues para ma-preserve ang industry kasi kung di mapreserve ang press freedom will collapse”.

Sa pagsara ng Zagitsit News FM station ngayong araw, higit 25 na empleyado ang apektado. Bagama’t magpapatuloy ang kanilang online livestreaming, alam nila na limitado ang nakakapakinig at may access sa platform na ito. Pero umaasa sila na panandalian lamang ito at maaayos din sa legal na paraan kahit pa may bahid pulitika ang nangyari.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -