Nakadisplay ngayon sa SM City Legazpi ang iba’t ibang produktong tatak Albayano gaya ng mga processed food, mga kasuotan, native handicrafts, cutleries at ceramics. Ito ay kaugnay ng Saod Albay Trade Fair na may temang Flores de Mayo at pinapangunahan ng Department of Trade and Industry Albay.
Ayon kay Provincial Director Dindo Nabol ng DTI Albay, may 32 exhibitors ang lumahok mula sa mga Negosyo Centers ng DTI sa iba’t ibang bayan ng probinsya ng Albay. Ilan sa mga bagong produkto na sumali sa trade fair ngayon ay mga wellness products gaya ng sabon na may elemi o pili oil at iba pang handcrafted aromatics.
Ang aktibidad na ito raw ang produkto ng iba’t ibang pagsasanay at interbensyon na ginawa ng DTI para sa mga Micro Small and Medium Enterprises o MSMEs kun saan binigyan sila ng mga seminars, pagsasanay at tinuruan ng product development at marketing.
Umaasa naman ang DTI na tatangkilikin ng mga Albayano ang sariling produkto upang magtagumpay ang mga exhibitors na sumali sa trade fair. Magtatagal ang trade fair hanggang sa Mayo 22.
(Source: Bicol PH)