Wednesday, May 22, 2024

Iriga: Local Cases ng mga variants of concern sa Bicol, pumalo na sa 1,032

- Advertisement -

Umabot na sa 1,032 ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 local variants of concern na naitala sa Bicol region.

Visit RPN DZKI Iriga

Batay sa pinaka latest na Biosurveillance report ng Department of Health-Bicol, nasa 56 ang Alpha variant; 127 ang Beta; 640 ang Delta variant habang tumaas naman sa 209 ang mga naitalang kaso ng Omicron variant, makaraang madagdagan ng 93 kaso.

Sa buong rehiyon, ang probinsya ng Camarines Sur ang may pinakamataas pa ring kaso ng Delta variant na may 157 at siya ring may pinakamaraming na detect na kaso ng Omicron variant na umabot na sa 54.

Kaugnay nito, sinabi naman ng DOH na ang mga naturang bilang ay hindi kumakatawan sa kabuuang case infections ng mga variants of concerns, dahil batay lamang ito sa specimens na ipinasa at isinailalim sa pagsusuri ng Philippine Genome Center.

(Source: DOH Bicol CHD)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -