32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Iriga: DTI muli pinaalalahanan ang mga tindahan sa kahalagahan ng price tag

- Advertisement -

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga tindahan  hinggil sa kahalagahan ng paglalagay ng price tag.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa gitna ito ng tila pagbabalewala lalo ng ilang malalaking tindahan sa price tag law.

Ayon kay Gary Rafanan, Information Officer ng DTI Camarines Norte, importante ang price tag dahil ito rin umano ang paraan nila para mamonitor ang presyo ng mga bilihin sa ilalim ng kanilang huriskdikyson.

Kapag wala umano silang nakitang price tag ay maaaring mag isyu ng violation sa price tag law ang DTI.

Bagamat hindi aniya malaki ang penalidad sa paglabag sa naturang batas, importante pa rin daw ang pagsunod.

Hinimok naman ng DTI ang mga consumer na maari nilang kunan ng picture ang tindahan na hindi naglalagay ng price tag sa kanilang mga produkto at ipadala sa kanila pa ma verify.

Maliban sa paglabag sa price tag law ay maaari din aniyang idulog sa kanilang opisina ang anumang reklamo sa nabiling produkto.

Maaaring magpadala ng mensahe sa facebbok page ng DTI Camarines Norte at mayroon umanong tutugon.

Paalala lang ng DTI na sa anumang reklamo ay importante ang resibo o proof of purchase.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -