31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: DOH Bicol nakapagtala ng tatlumput dalawang (32) panibagong kaso ng COVID- 19 sa rehiyon sa nakalipas na linggo

- Advertisement -

Iriga City – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) Bicol ng tatlumput dalawang (32) panibagong kaso ng COVID 19 nitong nakalipas na linggo.

Visit RPN DZKI Iriga

Batay sa tala ng ahensya simula Hunyo a-desi nwebe hanggang a-bente sinco, sa naturang bilang, nakapagtala ng tig-labing isang (11) kaso ang lalawigan ng Sorsogon at Camarines Sur; apat (4) na kaso sa Catanduanes; tatlo (3) sa Camarines Norte; dalawang (2) kaso sa probinsya ng Albay habang isang (1) kaso naman mula pa sa ibang lugar.

Bunsod nito, umakyat na sa tatlong raan limamput walo (358) ang bilang ng aktibong kaso ng naturang sakit at umabot na sa limamput siyam na libo isang raan siyamnapu (59,190) ang bilang ng mga nagpositibo mula pa noong Marso, 2020.

Nadagdagan naman ng dalawamput dalawa (22) ang bilang ng mga gumaling sa COVID 19 sa nakalipas na linggo dahilan para umakyat na sa limamput anim na libo dalawang raan tatlumput walo (56,238) ang bilang ng total recoveries.

Samantala, wala namang naitalang casualties sa virus kung kaya’t nananatili sa dalawang libo limang raan siyamnaput apat (2,594) ang total deaths sa buong kabikulan.

(Source: DOH Bicol CHD)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -