Sunday, May 26, 2024

Iriga: Bicolano, nag Top 1 sa Optometry licensure examination

- Advertisement -

Isang Bicolano nanaman ang namayagpag sa Board Examination matapos na makamit ni 𝗟𝗼𝘂𝗶𝗲 𝗢𝗿𝗽𝗶𝗮𝗱𝗮 𝗠𝗮𝗹𝗹𝗮𝗿𝗶, mula sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur ang TOP 1 sa 𝗢𝗽𝘁𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗘𝘅𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.

Visit RPN DZKI Iriga

Nakapagtapos ng kursong Doctor of Optometry si Mallari sa Centro Escolar University kung saan isinagawa ang naturang pagsusulit nitong March 2021 at January 4, 2022.

Nakamit ng tubong Camarines Sur ang 88.19% na grado na siyang dahilan upang makuha nito ang unang pwesto sa nasabing board exam.

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Mallari ang Panginoon na ayon sakanya ay siyang dahilan ng kanyang tagumpay.

Mula sa 234 na mga kumuha ng exam, 206 sa mga ito ang nakapasa kung saan nakuha din ng Centro Escolar University ang 96.58% na passing rate.

(Source: Bicol News, photo courtesy by Louie Mallari)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -