Sunday, April 28, 2024

Iriga: Akitibidad para sa mamamayang Catandunganon tagumpay na naidaos

- Advertisement -

“ALL-IN-ONE”, ganito isinalarawan ng mga naging benepisyaryo ang inilunsad na outreach program na pinangunahan ng Catanduanes Police Provincial Office nito lamang na Huwebes, ika-30 ng Hunyo 2022 sa Freedom Park, Virac Foutain Area, Sta. Cruz, Catanduanes.

Visit RPN DZKI Iriga

Naging makulay ang program na maagang sinimulan bandang alas sais (6:00) ng umaga sa pamamagitan ng masiglang pag-indayog sa Zumba.

Nilahukan ito ng mga kawani mula sa ibat-ibang ahensiya kabilang na ang Philippine Coast Guard (PCG), 83rd IB Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Aktibo ding nakisayaw ang ilang grupo ng kabataan kasama ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at iba pang Advocacy Support Groups.

Matapos ito, ay namahagi ang pamunuan ng simpleng almusal sa mga kalahok habang sinalubong din ng mainit na agahan ang mga masisipag na tricycle driver na maagang napadaan sa lugar.

Nagsilbing “One-Stop-Shop” ang parke para sa mga kaabataan at ilang nagnanais na pumasok sa serbisyo dahil sa mga itinayong information booth ng PNP, Philippine Army, PCG, BFP at BJMP.

Pangunahing layunin bawat ahensya ang mabigyan karampatang sagot ang mga katanungan ng kabataan lalo na patungkol sa recruitment process at iba pa nilang programa at serbisyo.

Ayon sa Chief ng Police Community Affairs and Development (PCAD) na si PLTCOL LOUIE MANUEL D DELA PEÑA, “minabuti ng pamunuan na magtalaga ng information booth kasama ang ibang pang ahensya upang matulungan ang ating kababayan partikular na ang mga magsisipagtapos na makapagdesisyon o kaya ay mapukaw ang kanilang interes na mapabilang sa alinmang sangay gobyerno.”

Samantala, ganap na alas tres (3:00) ng hapon inihandog naman ng parehong grupo ang “Libreng Meryenda para sa TODA”.

Sa isang bahagi ng lugar, makikita ang masiglang kantahan ng mga miyembro ng TODA sa programang tinawag na “Sing a Prize, Handog ng CATPPO”. Dito ay may tig-limang kilo ng bigas na mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang agarang naiuuwi ng mga lumalahok.

Bahagi ito ng psychosocial intervention na isinasakatuparan sa pamamagitan ng tanggapan ng PCAD.

Sa pagkagat ng dilim ay patuloy na inaliw ang publiko sa pamamagitan ng pagtatanghal ng CATPPO Band na tinawag naman na “Musika sa Kabanggihun” kung saan nagpasiklaban din ang mga “jammers” sa kani-kanilang napiling awitin.

Sa kabilang banda, nakaantabay naman ang “Pulis N.A.R.S. -Nakaalalay, Aaruga at Responsbleng Sesirbisyo” sa maghapong programa upang agarang makapagbigay ng asistensya sa oras ng pangangailangan.

Sa huli, ipinaabot ni PTCOL DELA PEÑA ang taos-pusong pasasalamat sa halat ng sumuporta at mga naging kabahagi upang maging matagumpay ang paglunsad sa programa.

(Source: Catanduanes PPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -